Tuesday, May 09, 2006

THE TEEN COMMANDMENTS

ME, MYSELF AT AKO…
mamahalin ko ang sarili ko
ipapakita ang tunay na ako
di lang puro gimik, text at japorms ang iisipin
maski sa school at bahay, lagi akong sisipagin
hindi ako malululong sa masamang bisyo
di ko trip bumarkada sa mga loko loko
bukas ang loob sa anumang pwedeng matutunan
focus ng buhay ko ang maayos na kinabukasan

KAPAMILYA KO, KABARKADA KO
mamahalin ko ang aking pamilya
uunawain at kikilalanin kung sino sila
di huhusgahan ang pagkakamali nina nanay at tatay
ayokong maging pasaway
magiging responsableng kapatid kila bro at sis
pagtulong sa bahay, di ako maiinis
anuman ang marating ko sa buhay
bawat tagumpay, sa kanila ko iaalay

HEYA WORLD! PINOY AKO!
mamahalin ko ang bansang pilipinas
susunod ako sa lahat ng batas
tatangkilikin ang produktong sariling akin
gawang noypi, in na in sa akin
aalagaan ko ang aking paligid
sa kapwang pilipino, di magiging manhid
saang lupalop man sa mundo ako mapunta
pinoy pa rin ako, wala nang iba!

GUDTAYM IS GODTAYM
mamahalin ko ang panginoong diyos
isasapuso ko lahat ng kanyang utos
lagi akong magdarasal
ibabahagi sa iba ang kanyang pag-ibig at aral
hindi ko makakalimutan ang magpasalamat
sa kanya, ako ay magiging karapat-dapat
wala nang mas hip at cool sa kanya
sa buhay ko, sya ang idol at palaging bida!

KABATAANG PINOY AKO SA ISIP, SALITA AT GAWA
sa bahay ni kuya, ako ay magsisimula
isasabuhay ko ang teen commandments na ito
para kay big bro at sa mga kabataang tulad ko

"i think its good kung susunurin ito ng mga kabataan
kahit imbento lang ito ng isang tv show
walang masama kung susundin nating mga kabataan
ang "teen commandments" na ito "

0 Comments:

Post a Comment

<< Home